Wednesday, November 6, 2013

Daddy vs PNG Fashion Or The Lack There Of

I officially passed the 10th month mark on my OFW calendar. So far, sanay na ako sa kaboringan ng ‘Land of the Unexpected’. Buti nalang I get to meet some friendly Pinoys who invited me sa church choir/community at sa mga chibugan at inuman kaya kayang kaya na ang natitirang mga buwan.

Anyways, nai-kwento ko na minsan na iisa lang ang mall dito sa PNG na kaya mong libutin in less than 10 minutes.

The Vision City Mega(?)Mall @ Waigani, Papua New Guinea

Dahil dyan kakaunti rin ang mabibilhan ng damit. May ilang shops sa loob pero karamihan sports apparel ang mabibili mo at malalaki ang sizes. Wala ung mga damit na pandiinan. Kung meron man, may kamahalan. May department stores din sa loob ng ilang supermarket pero as usual bukod sa mahal, pangit pa ang quality ng tinda aka “Made in China”.

But in fairness, may isang shop akong napuntahan some weeks ago na quality ang tinda at medyo affordable ang damit.

 Duffy (PNG) courtesy of their FB page 

Infact nakabili ako one time ng t-shirt.

Duffy Shirt (K40=~Php800) Mahal pa rin.

At take note masarap ang pagkain sa café nila na medyo may kamahalan din as usual.

 Duffy’s Big Breakfast (K35=~ Php 700) Big budget!

Balik sa usapang damit. Ang marami dito sa PNG bukod sa supermarket – UKAY-UKAY!

Labels Clothing @Gordons, National Capital District

Kabi kabila ang second hand stores dito, at magugulat ka kasi bukod sa mga locals at mga Pinoy na given na mahilig talaga sa UK, pati mga puti madalas na parokyano nila. Minsan nga may nakasabay kaming hot chick, Australian I think, nagtitingin ng secondhand swimsuit. Anbilivabel!

Dahil dyan, di na ako magtataka kung ang laman ng balikbayan box ng mga OFW from PNG ay hindi karne norte o tsokolate kundi damit galing ukay tuwing uuwi sila sa Pinas.

Ilan sa mga dahilang naiisip ko kung bakit patok ang secondhand shops dito sa PNG ay:

1. Dahil siguro kapos ang karamihan sa pera.
2. Dahil siguro sa kawalan ng mabibilhang damit.
3. Dahil siguro wala lang talagang sense of fashion ang karaniwang PNGnians.

As if namang meron ako. Well, siguro lang naman.

Sa sampung buwang pagmamasid masid ko dito sa Port Moresby, eto ang common PNGnian fashion statement na napansin ko.

 Meri (Woman) Blouses @Sacred Heart Parish, Hohola

 Company Shirts/Inside-out shirt + Barefoot @Konedodu Area

At syempre: UKay!

Plaid long sleeves @ K2 =~Php 40;
Printed Vintage Shirt @ K1=~Php20

4 comments:

Overthinker Palaboy said...

Pumafashion blog ka daddy kuri! Konti na lang makakauwi na rin!

Simon said...

Happy 10th month abroad :) Someday mag aabroad din ako with my career.. Kaya lang I think its hard to be away from Family and friends.. Pero its for the greener pasture diba?

Hope to read more from your blog :)

Anonymous said...

Hindi naman mukhang UK yung long sleeves shirt and printed shirt, jumajaporms ka pa din daddy at bagay sa bigotilyo mo. sexy pa din ang datingan. - Anton

chilaxjukebox said...

buti ka pa marunong pumili ng damit! ayus yan, tipid na, may fashionable ka pa..hehehe