Late dumating ang sundo ko. Tinanghali daw ng gising. Derecho agad kami sa accom after.
On the way, nakita ko ang lagay ng bansang pinuntahan ko. Parang probinsya. Mabundok. Tahimik. Mangilan ngilan lang ang sasakyan. Sabi nila dahil daw holiday kaya ganun. Maraming local ang naglalakad lang. Nakapaa. Maraming tambay sa daan. Marahil sa kawalan rin ng trabahong mapapasukan. Mga local na kanya kanyang nguya ng buai (nganga sa atin). Mga hubad na batang bitbit ng mga nanay sa tirik na sikat ng araw. Ang OA kaya ng init sa PNG. First day ko palang pero Derek Ramsey na agad ang peg ko.
Actually di naman ako nag-expect ng maganda on the first place sa bansang pinuntahan ko. Madami naman na kasi akong nabasang di maganda sa lugar. Kahirapan. Krimen. Kurapsyon. Pero sa ngalan ng maganda gandang kita gumora pa rin ako. Keri naman daw ang sitwasyon sabi nila. Madami na rin naman kasing mga Pinoy dito. Ang ilang sa kanila na-meet ko nung sumabit ako sa New Year celebration ng mga katropa ng katrabaho kong Pinoy. In short, nakipag inuman, nakipagkwentuhan, nakikain at nakipagkantahan ako on my very first night sa PNG. Strong bones!
Sa unang week ko dito, sa bawat araw na lumipas tuwing lumalabas kami ng accom feeling ko nasa eksena ako sa The Walking Dead. Napaka-vigilant ko. Dapat daw lagi kang handa. Wag lumabas ng walang kasama. Wag gumala pag gabi. Wag mag-flash ng pera at gamit. Mainit kasi daw ang mga “Raskol" sa Expats. Ninanakawan, hinoholdap, may mangilan ngilang kasong may nasasaktan. Scary ano? Sabi nga be cautious of your environment. Sa paniwala ko kasi kung talagang mapapahamak ka kahit saang lupalop ka pa ng Earth mapunta, mapapahamak ka talaga kung yun ang nakatakda. Bakit ga naman yung ibang Pinoy dito na namuhay at tumanda?
11 comments:
baket dyan ka pa kasi nag punta?! Kalayo naman. Sana dito ka narin sa SG para malapit kila Red at Esmi meron din Redlight district dito I'm sure un ang magugustuhan mo ahahha
Lalo kang gumugwapo daddy Kuri. di halatang haggard sa init at homesickess.
wag ka lang ngingiti masydao sa labas, kasi baka kiss naman ang nakawin sayo. pag nagkataon,inggit much ako sakanila
-Anton
wow. tinupad ang pangako na mas mapapadalas ang pagboblog. syempre alam kong nag-aadjust ka. salamat sa pagkuha ng oras magsulat.
prayed for you :)
Glad to see you're ok. Ingat lagi.
Mag-iingat ka dyan Kabayan!
Walang Batangenyong nagpapatalo sa hamon ng buhay. Hehe.
May dala ka ga dyan na balisong? Haha!
Yan laang ang mamimiss mo pag nasa abroad ka na, walang hawot, sinaing na tulingan, paho at kapeng barako.
First time ko sa blog mo pero nakarelate kagad ako. Goodluck sa bagong endeavor mo. Hope all your plans for your family will push through. Lahat talaga ng OFW dugo at pawis, pati puso ang puhunan.Gudlak!
Nakakatuwa at may mga gay lingo terms ka na pasok sa banga...
Sa hotness bo namang yan, ciempre magiging mabait sa iyo at mabati ng good morning at good night... Kung ako baka may hug pa....hehehe
Ingat lagi ah... always make sure na safe... goodluck sa iyo jan at para sa pamilya, wag susuko... Kakabilib!
Do you have any regrets?
Medyo nakakatakot yung ibang sinabi mo, kaya ingat lagi Daddy Kuri.. Pero it's good na maayos naman trato nila sayo so far. I bet ikaw pinakagwapo dyan! :D
Hey! Di ka na pala natuloy sa Brunei. Sige, all the best dyan. Ipon at ipon para happy ang future ng family. Australia ako. So malay mo maari tayong magkita in the near future! Sulong Kabayan!
Ingats ka dyan daddy. Konting lundag lang dito kana sa NC :D
Post a Comment